Home Nakahanap si George Aquino ng Suporta at Pagpapatibay sa Kanser sa Lazarex Cancer Wellness HUB
Read the English version of George’s story.
Si George Aquino ay ilang linggo na sa mapangwasak na diagnosis ng cancer noong Abril 2023 nang makita niya at ng isang kaibigan si Irene Juarez sa Monument Crisis Center, isang nonprofit na resource center ng Concord, California para sa mga pamilyang mas mababa ang kita.
Nang makita ang table sign ni Irene para sa Lazarex Cancer Foundation , hinimok si George ng kaibigan niya na makipagusap kay Irene.
Sinabi ni George, 75, na kailangan niya ng suporta, ngunit may pagaalinlangan na maaring makatulong ang sinuman. Ang kanyang diagnosis – cancer sa prostate na nag metastasis sa buto – “nadama tulad ng araw ng katapusan.”
Namumuhay siyang mag-isa at, maliban sa pagkukuwento sa ilang kaibigan, sinisikap niyang hawakan ang sakit na halos mag-isa. Gayunpaman, nahihirapan siyang maghanap ng psychotherapist upang tumulong sa emosyonal na epekto at iniisip kung ano ang plano sa paggamot ng kanyang mga doktor ay ang pinakamahusay na pamamaraan.
Muling hinimok si George ng kanyang kaibigan na: “Kausapin mo sila!”
At ginawa ito ni George. At naalala pa rin niya ang tugon ni Irene: “Maari ka naming tulungan.”
Ang Monument Crisis Center ay isa sa tatlong Lazarex Cancer Wellness HUB na directang nagdadala ng mga mapagkukunan ng foundation sa mga pasyente na may cancer at taga-pagalaga sa mga komunidad na kulang sa serbisyo. Ang mga HUB – Ang dalawa ay nasa Philadelphia at Los Angeles – ay nagbibigay ng ligtas na espasyo kung saan sinasagot ng mga Cancer Care Companions at Neighborhood Health Ambassadors ang mga tanong, tinutulungan ang mga tao na malampasan ang mga hadlang sa kultura, at ikonekta sila sa mga mapagkukunan upang tumulong sa kanilang paglalakbay sa kanser, kabilang ang paghahanap ng pangangalagang medikal, mga pagsusuri sa kanser, pangangalaga sa kanser, mga klinikal na pagsubok at mga mapagkukunan ng survivor.
Sa pamamagitan ng East Bay HUB, pinangunahan ng Lazarex na iugnay si George sa BostonGene na naka base sa Massachusetts para sa genomic na pagsubok nang walang bated. Ikinonekta rin siya sa Imerman Angels , isang nonprofit na nakabase sa Chicago na nagbibigay ng suporta sa mga pasyente na may cancer ng libreng one-on-one na mentoring.
Isinangguni din siya ng Lazarex sa pangalawang opinion , isang nonprofit sa San Francisco na may mga boluntaryong mediko na dalubhasa na nagrepaso sa kanyang record ng kalusugan, nang walang bayad. Tiniyak nila sa kanya na ang plano ng paggamot ay “mahusay,” na nagbigay sa kanya ng tiwala sa kanyang pangkat na medikal.
Linggu-linggo pa ring tumatawag si Irene para mag check in.
Madaling tumawa at ngumiti si George, kahit na lumalaban sa cancer sa pangalawang pagkakataon. Ang kanyang unang laban ay dumating noong 2009, nang nagkaroon ng thyroid cancer sa edad na 60.
Nang malaman niya na ang kinakailangang operasyon ay nagkakahalaga ng $45,000, umuwi sita sa sariling bayang Pilipinas para sa mas murang pangangalaga. Pagkatapos ng operasyon sa Pilipinas ay sinundan ng radiation sa Contra Costa Regional Medical Center, at ang kanyang kanser ay naglaho. Ngunit kinailangan niyang ibenta ang pasilidad ng tirahan na pinatatakbo niya para sa mga adult na may mga kapansanan sa pag- unlad.
Pagkatapos nito, sinabi niya, nagboluntaryo siya, kabilang ang paggiging isang miyembro ng upon para sa Contra Costa Regional Health Foundation at bilang isang Notaryo sa Concord Senior Center.
Dumating ang isang araw noong Marso 2023, nang mapansin niya ang dugo sa kanyang ihi. Makalipas ang tatlong araw, sa emergency room sa John Muir Medical Center, hinimatay siya. Ang karagdagang pagsusuri ay nagsiwalat ng bagong cancer.
Sinabi ni George na ang nanyang cancer sa prostate ay nasa remission, at siya ay tinuturukan ng gamot tuwing tat long buwan pang subukang panatilihin ang cancer sa buto sa pagsusuri. Bumalik na siya sa pagmamaneho ng kanyang sassan, pakiramdam na independyente at paglalaro ng lingguhang laro ng Bingo sa Concord Senior Center. Mayroon siyang tagapag-alaga na bumibisita sa kanya araw-araw at nagsabi na nanumbalik na ang kulay sa kanyang mukha.
Iniuugnay niya ang panibagong kasiglahan sa kanyang kakayahang tumawa at gawing biro ang tungkol sa kanyang kalagayan at ang matibay niyang pananampalataya. Madalas niyang paalalahanan ang kanyang sarili, “El hombre propone y Dios dispone,” na isinasalin sa “Man proposes and God disposes.”
Sinabi niya na ang tulong na natanggap niya mula sa Lazarex ay isang “privilege.”
“Narinig mo ang ‘Stage 4’ at sa tingin mo, alam mo, na iyon na ang katapusan ng buhay, ngunit ang Dios ay mabuti”, sabi ni George. “ Binigyan ako ng Lazarex ng lakas ng loob na magpatuloy.”
Tagged Cancer resources , cancer support , Lazarex Cancer Wellness HUB , mental health , Prostate Cancer Copyright © 2014 2024 All Rights Reserved.
You can see how this popup was set up in our step-by-step guide: https://wppopupmaker.com/guides/auto-opening-announcement-popups/
× Our Spring Sale Has StartedYou can see how this popup was set up in our step-by-step guide: https://wppopupmaker.com/guides/auto-opening-announcement-popups/
×